Kamikazee

May post ako sa Parokya. Pwede bang mawala ‘to? Haha.

Kasabay lang halos ng Parokya yung pagkagusto ko dito. Mga Grade 5 or Grade 6 din. Pero ngayon lang din umusbong (lalim!) ng ganito. Iba talaga ata yung effect pag napapanood mo ng live ang banda. Sabayan pa siguro ng napakandang bagong album na Romantico. Pero before nun, Maharot talaga favorite ko. Pinagsamasama ata nila lahat ng makukulet na songs don.

Ga’no ko ba kamahal Kamikazee? Tipong pag pinatugtog yung kanta sa Romantico album, first 5 seconds.. alam ko na agad. Or kahit ano pang kanta nila. Tipong sobrang hyper ko pag sila nagpeperform ng live. Gustuhin ko mang puntahan lahat ng gigs within Metro Manila, di kaya, may pasok eh. :( Pero kung gaano ko kamahal ang Parokya, ganon ko rin kamahal ‘tong bandang ‘to.

Sabi nga nila saken, ang weird ko daw. Kababae kong tao, puro rakrakang Pinoy ang gusto ko. I should be fangirling over Taylor Swift or Miley Cyrus or whoever daw. Eh bakit ba. Eto gusto ko eh. Parokya ni Kazee nga diba. :D

Tuwing nasa mga panahong nagfafangirl ako sa Kamikazee, mga panahong may picture si Jay at Jomal sa cellphone ko, nawiwirduhan saken mga kaibigan ko. HAHA. Bakit daw trip na trip ko ‘tong bandang ‘to kahit na almost kalokohan mga kanta (puro sigaw, etc.). Lalo na raw kay Jay, bakit daw sobrang crush ko yun. Ay grabe. Hangga’t hindi nila napapakinggan lahat ng kanta netong bandang ‘to, at hindi pa sila napapanood ng live, hindi nila ko maiintindihan. Sus. Nakita na ba nilang kumembot si Jay Contreras? Nakita na ba nilang tumawa si Jomal? NG PERSONAL HA. Hindi pa. Kaya never nila kong maiintidihan.

When it comes to music, sobrang tuwang-tuwa ako kasi bihira ang seryoso sa mga kanta nila hahaha. Tsinelas lang eh, tawa ko ng tawa nung napakinggan ko ng unang beses. “PUTANGINA NASAN ANG TSINELAS KOOOO.” Hanep. Hahaha. Ang lutong eh. Kaya trip ko ‘tong bandang ‘to, kasi kakaiba yung trip nila. Hindi parang ordinaryong bandang puro ka-emo-han ang alam sa mga kanta. Siguro yung Romantico, emo-ish, pero hindi yung slow.. RAK PA DIN.

3 beses ko pa lang silang napapanood ng live. Apat na beses na kong nakapagpapicture kay Jay. Dalawa kay Jomal. Limang beses na kong nireplyan/niretweet ni Jomal sa Twitter. Pero kahit wala yang mga yan, patuloy ang pagmamahal ko sa bandang Kamikazee.

Tulad ng gagawin ko sa Parokya, ittweet ko senyo ‘to, Jay at Jomal (since kayo lang naman ang may Twitter huhuhu). Para malaman niyo kung gaano ako ka-fond sa banda niyo. Oo, hindi ako ang “biggest” fan ninyo, o yung fan na may pinakamaraming merchandises niyo. Pero siguradong suporta hanggang dulo ang kaya kong ibigay senyo. Birthday ko bukas. (OH ALAM NA.) Haha. Pero hindi ko ipopost ‘to dahil lang don. Kahit hindi ko birthday bukas, ipopost ko pa rin ‘to. Nagkataon lang na nasa mood ako at may hangover pa mula sa 19 East non (tagal na nga eh).

Oh ayun. Birthday ko. Tulad sa Parokya, marami akong gustong mangyari kasama ang Kazee. (1) Makaclose kayo, yung tipong tuwing gigs makakausap ko kayo at madaling malalapitan. (2) Magkaroon pa ng maraming picture kasama kayo. At marami pang iba tulad ng maging friend niyo sa Facebook or mafollow sa Twitter. YUNG PARANG MAGKATROPA OR MAGKAIBIGAN LANG. Ganon ba. At siyempre, para bukas, maggreet niyo ako.

Alam kong may pagka-“OA” yung mga gusto ko pero walang masamang mangarap. Gagawin ko lahat para makaclose ko ‘tong bandang ‘to. Pero kung hindi mangyari yon, hindi magtatapos ang lahat doon. Patuloy lang ang suporta sa isa sa mga paborito kong banda.

Mahalaga na sa akin ang mabasa niyo ito. In that way, malalaman niyo kung gaano ko kayo kamahal. >:)< Yung mga gusto ko, oo gusto ko talaga mangyari, pero kung hindi kaya, wag pilitin. Hehe. Pero aaminin ko, pangarap ko yon. At alam kong matutupad yon bago mahuli ang lahat hehehe. :)

KAMIKAZEE POREBER! okay yan!!! o///

 

I LOVE YOU KAMIKAZEE HUHUHU >:D< ♥

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: