Parokya ni Edgar

Bakit nga ba ganon na lang ako ka-fond sa bandang ‘to? Na kahit ilang bandang Pinoy na ang magsisikatan, eh Parokya pa rin ang mahal ko?

Siguro hindi ako yung “fan” na pinakamatagal nang sumusuporta sa bandang ‘to. 15 years old pa lang ako. Grade 5 o Grade 6, Halina Sa Parokya days, dun siguro halos magstart. Nung nag1st year high school ako,  noon ako naging adik talaga sa kanila. Halos apat na taon. Pero ngayong 4th year high school ako, tsaka ko lang sila napanood ng live.

Minsan nagsisisi ako kasi ngayon ko lang pumunta sa mga gigs na yan. Iniisip ko minsan, bakit hindi simula pa lang? Pero wala akong magagawa. Bata pa ko nun, wala pa kong pake sa mga ganyan. Ang alam ko lang nun, hinahangaan ko sila ng sobra. Malay ko bang ganyan sila katindi ng live.

Favorite kong kanta nila yung Your Song. Tas Middle-aged Juvenile Novelty Pop Rockers na album. Hindi ko kumpleto merchandises ng banda, pero hindi yon hadlang para hindi ko sila suportahan.

Lahat ng kanta nila halos nakakarelate ako, lalo na yung mga malulungkot. Siguro kaya gustong gusto ko sila. Tsaka ano, kahit na ganon na sila kasikat, hindi nila nakakalimutan yung fans nila. Parokya yan eh.

First gig nilang napanood ko nung Rap-Rockan 2. Ang tindi. Simula non, lagi na kong nakasubaybay sa gigs nila. Kaso minsan tumatapat na may pasok. Nung October 24, sakto sembreak, sa 19 East. Mas matindi ‘to kesa sa una. Naka 15 songs sila. Sobrang lapit ko sa kanila, kesa nung Rap-Rockan 2. Sa Rap-Rockan kasi, sobrang gilid na kami. Pero non, grabe sobrang lapit. Front row na front row.

Nakapagpapicture ako sa kanilang lahat. Una kay Chito, tas kay Dindin, kay Gab, kay Dar at kay Buwi. Sobrang sayaaa. Sobrang lapit ko na sa kanila. First time ‘to. Sobra sobrang saya ko. Kung alam lang ng Parokya ni Edgar kung gaano ko kasaya.

Ilang taon na ba sila? Nasa 36 sila, except kay Dar. Sana kahit tumanda na sila, kahit umabot pa ng 70 years old, tuloy pa rin ang Parokya! Patuloy ko ‘tong susuportahan. May promise ako sa sarili ko. Next year, college na ‘ko. Mas malaki na yung freedom kong makapunta sa gigs, kahit mga kaibigan ko na lang mga kasama ko. Lahat yan, mapa19 East, Metrobar, B-side or Bistro, pupunta ko. Icoclose ko Parokya. Hindi ako titigil sa pagsuporta sa kanila. Kahit gaano pa karaming album ang gawin nila (sana taon-taon meron), kahit gaano pa karaming gig ang magkaroon sila, susuportahan ko sila sa abot ng aking makakaya.

Kung mababasa man ‘to ni Chito, o ng buong Parokya, sana malaman niyo kung gaano ko kasayang nabuo ang Parokya. Gusto kong sabihin senyo lahat ng nararamdaman ko nang natupad na yung pangarap kong magkapicture sa inyo, pero words will never be enough. Sa susunod na gigs niyo, sana mapapirmahan ko albums, sana makapagpapicture ulit ako, sana makausap ko kayo, sana maging kaclose ko kayo katulad nung ibang fans. Isa pa, sana katulad nung 16-year old sa 19 East ay makaduet, makasayaw, makayakap at mahalikan ko rin si Chito (lol). Gagawin ko lahat para mangyari yon, pero kahit ano mangyari, hindi ako titigil sa suporta ko senyo.

Kung mababasa man ‘to ng paborito kong banda, gusto kong malaman niyo na nagpapasalamat ako’t nagkaroon ang Pilipinas ng isang bandang katulad ninyo. At nagpapasalamat akong isa ko sa mga fans na nagkaroon ng chance mapanood kayo ng live. Sana hindi kayo tumigil sa pagpapakalat ng katindihan ng OPM sa Pinas. Kahit tumanda kayo (na kung pwede lang sana ay wag na mangyari), kayo pa rin ang paborito kong banda.

October 27, 2012; 9:44 PM ko tinatype ‘tong sentence na ‘to. Bukas, birthday ko. Alam niyo na siguro pinapahiwatig ko. Medyo mababaw, pero ang magreet ng paborito mong banda, napakapriceless ng feeling. Ililink ko ‘to sa twitter nilang lahat at sana (sana talaga!!!) mabasa nila. Kahit walang greeting, kahit walang reply pabalik, importante mabasa nila. Parokya ni Edgar!! Pag nabasa niyo ‘to, magiging masaya ko kung tutuparin niyo yung hiling kong igreet niyo ko at replyan. Pero after all, that doesn’t matter. Ang mahalaga sa akin ay ang mabasa niyo ito. Dahil alam kong in this little way–posting such stuff on my blog–masasabi ko lahat ng saloobin ko at gusto ko pang mangyari on and with Parokya ni Edgar. Nasabi ko na sa taas, pero feeling ko sobrang kulang pa. Gusto kong magpasalamat sa inyo sa patuloy na pagbabanda at pagiging makukulet na inspirasyon samin. Gusto kong sabihin na sana gumawa pa kayo ng maraming kanta. Gusto kong malaman niyong isa ko sa mga fan niyo (hindi man isa sa mga pinakamatagal, pero isa sa mga patuloy na nandyan para sa inyo).

Siguro kung mababasa ng iba ‘to, sasabihin nila corny o kaya OA. Hahahaha. Pero kung PNE fan din ang makakabasa, maiintindihan niya ko. Magkakaiba tayo ng gusto, at eto gusto ko, sana respect lang :D Sa Parokya, alam niyo na gusto ko. Sinabi ko sa taas. Ang makaclose kayo (tipong friend sa Facebook, may picture every gig, at may number kayo sa cellphone ko tulad ng iba), napakasaya non. At ang magreet niyo bukas, priceless. Pero kung di mangyayari, ayos lang. Hindi naman yon sagabal para sabihin kong ayoko na senyo. Sus. Hindi naman yon yung basehan. Pero para maging katropa niyo talaga, gagawin ko ang lahat, at patuloy ang suporta ko. Magkasama yon lagi. Rak lang! :D

Maraming salamat, Parokya ni Edgar! Chito, Buwi, Dar, Dindin, Gab at Vinci (kahit wala ka na talaga :'( huhu), salamat senyo. Gagawin ko lahat para mangyari ang lahat ng gusto kong mangyari. Gagawin ko lahat para masuportahan kayo hanggang huli. APIR!! :)

Walang iwanan sa Parokya band, sa Parokya ni Edgaaaar <3

Advertisements

One thought on “Parokya ni Edgar

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: