19 East!

Uhh, despite of my mom not allowing me to bring the dSLR camera, I still enjoyed the night and managed to take pictures even though majority are either blurry or dark. Well, who cares. With the use of a Canon digicam, I had pictures with each Parokya ni Edgar member, Jay Contreras, and Jomal Linao. So maybe that’s fine lol.

Teka magtatagalog ako kadugo di ko maeexpress fangirling feels ko sa English eh.

Dumating kami sa 19 East ng 7 PM. Mas maaga ng 2 hours, kaya front row kami kaso gilid. Dapat dun kami sa medjo gitna kaso good for 8 daw yung table. Badtrip ako sa waiter nun eh. PWEDE NAMANG I-USOG YUNG TABLE DIBA. Dejoke. Tas yun gilid kami. Pero harap. So okay na rin.

First to perform ang Chicosci. Unexpected. Kala ko The Youth or Typecast eh. Ang angas nila maglive. Di ako ganon ka-fan ng band na ‘to, tsaka first time ko silang mapanood ng live, pero ang lakas ng dating. Ang tindi ni Miggy eh. Galing mang-entertain ng crowd. Laging nagmumura tas kung anu-anong kanta yung kinakanta haha. Kahit hindi nila kanta eh. Kinanta pa nga niya yung Torn. Haha angas ng boses grabe :3 Tapos yung last song nila, Magasin. Grabe ang angas talaga ng cover nila non. Tapos may part dun siningit ni Miggy yung Torete tapos biglang “sa centerfoooold ka naaa”. Haha galing.

Next yung The Youth. Tas Kamikazee next. Grabe ang aga nila. Haha pero almost an hour din sila nagperform. Grabe. :”> First song, Martyr Nyebera. ANG TINDI TINDI NI JAY CONTRERAS. Entrance palang jusko alive na alive na yung buong 19 East. Parang kahit nakatayo ka na lang or nasa balcony ka, maeenjoy mo kasi Kamikazee yan eh. Tapos Halik. Most awaited. Tsaka dumating yung hinihintay ko, bumaba si Jay sa side namin. Waaa. Nahawakan ko nga siya eh grabe kahit pawis na pawis sobrang bango pa din <3 Nakiss nga ng ate ko eh. Nak ng. Underage pa kasi ko eh pero next time di ko na palalampasin haha walang under-underage dito!! Pero ayos lang kinantahan niya naman ako ng Halik eh <3 Tapos Doo Bidoo. Galing grabe. Tapos Huling Sayaw, kaduet niya si Reyg ng Talata. Tapos last yung Narda. Ang galiiiiiiiing. Second time ko na silang napanood ng live, pero grabe lang parang first time pa rin. Ang galing ng Kazee grabe. Angas kumembot neto ni Jay, sobrang lambot ng katawan. Tas si Jomal haha pinagtitripan ni Jay. Kulet manigarilyo. Katurn-on sila grabe. Tindi talaga. Yung intervals between songs sobrang angas grabe!! Kung sino sino mga niloloko. Niloko niya nga si Taylor Swift eh. Haha.

Jay: “Wala namang masama sa pagbili ng mga albums ng ibang lahi eh. Ang sana lang, mas tangkilikin pa rin natin ang OPM. Kasi ako pagbinili niyo ang album namin kukurutin ko kayo sa pisngi. Eh ‘yang si Taylor Swift? Pag binili mo album niyan hindi ka niyan kukurutin. Ano yung bagong kanta non?”

Crowd: “We Are Never Ever Getting Back Together”

Jay: “Ano? We ever ever ever together?”

Ako: *sigaw* “WE ARE NEVER EVER GETTING BACK TOGETHER”

Jay: “Ah. Eh basta. Yung *sabay kanta* Weeeeee are never ever ever getting back together! Weeeeeheee!!! Haha. Gago yung babaeng yun eh no. Dami nang naging boyfriend nun. Eh niloloko rin naman siya. Di na nadadala. Kahit ako pag niligawan ako nun sasagutin ko yun eh. Tas pagkatapos ng ilang araw iiwanan ko rin. Huhuthutan ko lang ng pera. Kahit nga si Oprah eh, bigyan ako ng isang milyon nun hahalikan ko sa labi yon.”

HAHA Adik talaga ‘to. Nakausap ko siya shet. HEHE. Di ako naoffend sa sinabi niya haha di ko alam kung bakit kahit na Swiftie ako. Kasi siguro sanay ako kay Jay. Ganyan talaga yan. Adik eh.

Tapos Typecast. Pero before nun, nagCR kami ni Ate. Saktong-sakto nasa may CR si Chito. Mega habol ang peg. Chito Miranda yan ihh. Bait nga eh dami nagpapapicture sakanya tas kahit may kausap siya papapicture pa rin siya. Haha. Tapos nun, bumalik kami ng pinsan ko sa entrance kasi nakapwesto dun yung mga banda. Naabutan ko si Jay, shet topless pa si loko. Haha. Nagpapicture ako. Pati kay Jomal. Hehe gwapo netong lalaking to. Inakbayan akoooo shet. Second time niya na kong inakbayan eh. Grabe sobrang bait. *u* Sabi ko kasi “Sir Jomal, papicture naman.” Sabi niya, “Osige ba.” Tapos after nun sabi niya, “Salamat ah.” WITH A SMILE. Shet shet shet. Tapos si Jay din ehhhhh. Grabe talaga Kamikazee. :”>

Tapos Gloc-9 naman. Grabe ‘to. Fast mouth. HAHA. Naalala ko yung mga sinasabi ni Jay sa kanya. Kesyo magbisyo daw siya para naman daw magkadumi yung katawan niya. Hahahaha. Nakakaloko sila. Sabi niya pa “De ano, yang Parokya at Kamikazee, yan ang pinakalokolokong taong makikilala mo. Pero yang mga yan? Yan ang pinakatotoo.” Grabe <3 Nakalimutan ko na yung order ng songs niya pero kinanta niya Sirena, Lando, Kaleidoscope World, tas madami pa nakalimutan ko na.

After ni Gloc-9 tagal pa ng soundcheck ng Parokya eh. Kaya pumunta kami ng pinsan ko sa backstage. Hinintay namin lumabas isa-isa Parokya. Haha. Kulit nga nila mag-usap dun eh. Mga nakainom na kasi. Haha. Lalo na si Dar grabe halatang lasing na. Una kaming nagpapicture kay Dindin. Tapos kay Gab. Tapos kay Dar. Tapos kay Buwi. Mamatay-matay ako kay Buwi eh pucha so close!! Parang sobrang close pa kami sa picture. Feeling jowa <3 Haha. Lasing na rin yun eh. Grabe mag-bass ang tindi kembot ng kembot shet. Tapos ayun. Start ng tugtugan. Andon nanaman yung panimula ni Chito lagi. “Magandang gabi po kami po ang Parokya ni Edgar. Bago kami tumugtog dito sinabihan nila kami na 5 songs per band lang daw. Pero kelan ba nagfive songs ang Parokya? Boring yon! Kayo! Kayong mga nakatayo jan! Gagawin nating sulit ang pagtayo niyo. Tutal pagod na rin naman kayo, at lasing na kami, magkasulitan na tayo ng pagod at maglasingan na tayo dito!” Matindi talaga grabe.

First song nila, as usual, Buloy. Tapos Para Sa’yo. Nakakapanibago nga eh haha, dati laging Halaga. Third song nila yun. Teka nakalimutan ko na yung iba. Haha basta ang dami nilang kinanta halos lagpas sampu ata. Tatlong Araw, Sampip, Silvertoes, Inuman Na, Alumni Homecoming, Your Song, Pangarap Lang Kita. Tapos nakijam si Gloc-9 sa Bagsakan at One Hit Combo. Nagsama nanaman yung dalawa. Ang tindi. Tapos nakijam din si Jay sa The Yes Yes Show at Okatokat. Unexpected yung sa The Yes Yes Show eh. Biglang dumating si Jay. Haha bagay pala sakanya magrap with matching kembot nanaman. Grabeee kung walang asawa ‘to papatusin ko ‘to eh. =)) The Mistress ang peg. Tapos yung Okatokat grabe haha dun puro kembottalaga si Jay eh. Grabe O_O

Eto matindi. Pangarap Lang Kita. Naghanap si Chito ng girl na makakaduet. Napag-isipan ko na yun before the gig. Kaso nung nandon na yung moment, nagdalawang isip ako bigla. Biglang humarang yung hiya. Putek. Bigla kong nakalimutan yung kasabihang “Walang mararating ang mahiyain.” Pucha. Ang swerte swerte nung babaeng nakaduet niya. Nakaholding hands, nakayakap, nakasayaw, at higit sa lahat, kiniss siya ni CHITO MIRANDA!! Chito Miranda yun eh. 16 years old lang yung babae. That should be me. Hayyy. Pagkauwi sa bahay tsaka lang nagsink-in saking sobrang naiinggit ako kay ateng nakaduet ni Chito. Punong-puno ako ng regrets. Pero pramis ko talaga sa sarili ko, sa next gig, walang pipigil saken. Makikiduet ako kay Chito. :”>

Last song nila yung Tatlong Araw. Di ko inexpect na kakantahin nila yun. Haha. 14 songs. Or 15, isama mo yung Moves Like Jagger. NAKAKAMISS SI VINCH. Grabe. Si Vinci kumakanta nun eh. :(( Dindin kasi biglang tinugtog sa drums eh, napakanta tuloy si Chito haha. Sobrang sakit kapag paubos na yung Vodka ni Chito eh. Meaning kasi nun, matatapos na. Haha. Pero sobrang sulit. Kung pwede lang na kantahin nila lahat!!! Kung hanggang 30 songs. Hayy. Nung una nga tanong pa ni Chito eh, “Teka lang. Double check lang. Anong oras na ba?” Sagot ng lahat, “WALAAA!!!” Tapos sabi niya “Ah walang oras? Sige tara tugtog tayo hanggang sumikat ang araw.” HAHA. Grabeeeee.

 CHICOSCI!!!!

THE VAMP!! MIGGY CHAVEZ!! <3

KAMIKAZEE!!! <3

JAY CONTRERAS FOREVER CRUSH <3

PINAKAPOGING GITARISTA <3 JOSE MA. LUIS LINAO :D <3

JOMAL LINAO AND JAY CONTRERAS BEST DUO EVAHHHH <3

BLURRED :( GLOC-9 AND HIS BAND <3

“FAST MOUTH”

PAROKYA NI EDGAAAAAAAAAR <3 *u*

JAMMING: Parokya ni Edgar + Gloc-9 :D

JAMMING: Parokya ni Edgar + Jay Contreras

PAPA DAR <3 kaso madilim huhu :'(

ETO MAANGAS <3 BUHAWIIIIIIIIII

Ang sabi ko hindi kita mamimiss, hanggang kailan ito matitiis <3 HINARANA AKO NI PAPA JAY <3

Topless Jay Contreras <3

pinakapoging gitarista sa buong mundo!!! jomaaaaal <3

PAPA DAR <3

BABY DINDIN HAHA :)

GAB CHEE KEE!!!! :)

Eto boypren ko (sa panaginip huhu) BUHAWI MENESES!! <3 pogiii talagaaaa!!

AT HIGIT SA LAHAAAAAT.. Chito Miranda!! Ang bango neto eh, naka-papa cologne ataaaa <3 <3 <3

COMPILEEEEEEED!!! :D And more to come :)

Dahil ikaw ang may pinakamaraming solo pictures sa camera.. kinompile ko. Ang angas talagaaaaaaaa <3 BUWI MENESES NG PAROKYAAA :D

ROMANTICO SHIRT AFTER A LONG TIME :)

19 East :) Best placeeeee. Ang daling mahagilap ng mga banda haha saya saya <3

GIG BUDDIES :D Hihi. Best birthday gift ‘to!!  Sa uulitin… more gigs pa!!!

Hay grabe. 2nd time around pero parang first time pa rin. It’s been 2 days, pero hindi pa ko nakakarecover. I’m almost there!! May picture na ko sa Parokya at Kamikazee. Marami pang gigs, right? PUPUNTAHAN KO YAN LAHAT!! Salamat sa tatlong bandang ‘to: Parokya, Kamikazee, Gloc-9 band. Magsamasama ulit kayo at paniguradong pupunta nanaman kami! Bawat gig hindi ko na papalampasin. Bawat gig kailangan may picture ako senyo. Bawat gig kailangan unti-unting makilala niyo ko. HAYYY. Ang saya saya. Despite sa fact na nagsisisi pa rin ako’t hindi ako yung nakaduet ni Chito.. pero may next time pa at hindi ko na papalampasin!! Maraming salamat sa tatlong bandang yan at 4 days before my birthday ay napasaya niyo ko!! Dabest kayo. :) OPM RULES!!!! \m/

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: